Billman, idineklara bilang alkalde sa Castillejos
April 4, 2006 | 12:00am
CASTILLEJOS, Zambales Matapos ang matinding tensyon na bumalot sa paligid ng munisipyo ng Castillejos ay pormal na idineklara ng Commission on Elections (Comelec) si Mayor Wilma D. Billman bilang nanalong alkalde matapos ang isinagawang recount noong Biyernes.
Naibalik sa posisyon si Billman bilang alkalde matapos na mapatunayan na lehitimong nagwagi sa recounting, gaya ng unang nangyari noong halalan (May 2004)
Isinagawa ang muling pagbibilang ng mga boto sa dalawang balota na una ng iprinotesta ni Mayoralty candidate na si Jose Angelo Dominguez kung saan pansamantalang pinababa sa puwesto si Billman sa bisa ng Comelec resolution noong Enero 31, 2006 na idineklarang null and void sa pagkapanalo nito sa nagdaang halalan.
Ang pagbaba sa posisyon ni Billman ay ikalawang ulit nang nangyari, una noong 2002 ng paboran ng Olongapo City Regional Trial Court ang kuwestiyunableng pagkakapanalo nito laban sa katungaling si Enrique Magsaysay.
Nitong Enero 31, 2006 nagpalabas naman ng resolusyon ang Comelec na nagnu-nulify sa kanyang proklamasyon na inihain ni Dominguez kung saan naging dating vice mayor ng Castillejos.
Nakasaad sa joint resolution ng Comelec En Banc na pirmado nina Comelec Chairman Benjamin Abalos at lima pang commissioner ang pagkatig sa naunang resolusyon ng Comelec 1st Division noong July 14, 2004 na nagbabalewala sa proklamasyon ni Billman, gayundin ang Enero 20, 2005 resolution ng 2nd Division na nag-aatas naman na magkaroon ng muling pagbilang ng mga boto mula sa dalawang election precincts.
Sa katatapos na recounting ng mga balota ay nadiskubre na nanguna ng isang boto si Billman na nakapagtala ng 5,129 boto laban sa 5,128 na nakalap naman ni Dominguez. Bunsod nito ay kaagad na iprinoklama ni Castillejos Election Officer Roberto Misa ang alkalde at naging saksi si Comelec Region 3 Director Atty. Manuel Ignacio. (Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest