Rancho ng mayor binomba ng NPA
April 3, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Isang pulis ang binihag habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang bombahin ng umatakeng 70 rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang isang rancho na pag-aari ng isang alkalde sa Mandaon, Masbate kamakalawa.
Kinilala ang nasugatang pulis na si PO2 Erwin Ombas habang tinangay naman ng mga rebelde sa kanilang pagtakas si SPO1 Dante Alba.
Si Ombas ay nilalapatan na ng lunas sa Masbate Doctors Hospital.
Sa ulat na tinanggap ni PNP Chief Dir. Gen. Arturo Lomibao, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang salakayin ng mga rebelde ang rancho ni Mayor Bernardito Abapo ng munisipalidad ng Milagros sa bisinidad ng Sitio Kaboloan, Brgy. San Juan, nasabing lalawigan.
Nang makapasok sa loob ng rancho, agad na nagpasabog ng bomba ang mga rebelde na ikinapinsala ng mga heavy equipments dito tulad ng bulldozer habang ilan rin sa mga alagang baka ng alkalde ang namatay sa insidente.
Ayon sa mga trabahador ng rancho, wala silang nagawa dahil sa armado ng malalakas na kalibre ng baril ang mga sumalakay na rebelde. Ilang sandali ay mabilis na nagsiatras ang mga rebelde at kinaladkad sa kanilang pagtakas si Alba habang nagawa namang makalayo sa lugar ni Ombas matapos itong sumakay ng truck patungong Masbate City.
Magugunita na matapos magdiwang ng kanilang ika-37 taong anibersaryo nitong nakalipas na Marso 29 ay nagbanta ang NPA rebels na patitindihin pa ang mga pag-atake laban sa tropa ng pamahalaan.
Sa isang radio interview, inako at ipinagyabang ng NPA ang naturang pag-atake. Ipinagmalaki ni NPA spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal ang nasabing pag-atake kung saan ay nakatangay umano sila ng mga armas na kinabibilangan ng isang caliber machinegun, isang M 14, isang M 16 at isang isang cal. 45 pistol. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended