CAVITE Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabaril at napatay ang isang 35-anyos na lalaking kasapi ng holdap gang ng kanyang kabaro makaraang magsagawa ng modus operandi sa bahagi ng Barangay Mabolo, Naic, Cavite kamakalawa ng gabi. Nakilala ng pulisya ang suspek na holdaper na si Nicanor Signo ng Barangay Pantihan 2, Maragondon, Cavite. Napag-alaman sa ulat ng pulisya na ang biktima ay drayber ng motorsiklo (DI8704) at kaangkas ang kasamang holdaper para tumakas matapos na holdapin si Virginia Medina habang papasok ng gate ng kanilang bahay sa nabanggit na barangay. Subalit sa pagmamadali ay biglang pumutok ang hawak na baril at tinamaan sa batok ang biktima. Nagawang iwan ng hindi kilalang holdaper ang kanyang kabaro na duguang bumulagta.
(Cristina Timbang) Habambuhay sa tulak ng droga |
GAPAN CITY, Nueva Ecija Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol noong Miyerkules ng mababang korte laban sa isang 32-anyos na misis makaraang mapatunayang nagbenta ng bawal na gamot sa isinagawang entrapment operation ng pulisya noong Nobyembre 2004. Sa 6-pahinang desisyon ni Judge Arturo M. Bernardo ng Gapan City Regional Trial Court, Branch 36. Ibinaba ang hatol na life, kay Fermina Gonzales ng Brgy. Mambangnan, San Leonardo, Nueva Ecija. Base sa rekord ng pulisya na isinumite sa korte, ang akusado ay itinuro ng concerned citizen na nagpapakalat ng droga sa nabanggit na barangay. Agad naman nagsagawa ng operasyon sina PO2 Rolando Pascual, PO1 Ferdinand Talplacido at PO1 Gerardo Malaca kaya nadakip si Gonzales.
(Christian Ryan Sta. Ana) Trader dinedo sa harap ng kapitbahay |
NUEV A ECIJA Binaril at napatay ang isang 56-anyos na lady trader ng isa sa dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nakikipag-usap sa kanyang kapitbahay sa bahagi ng Barangay Caridad Village, Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Huwebes ng gabi. Kinilala ni P/Senior Supt. Jesus Gordon Descanzo, hepe ng pulisya, ang nasawing biktima na si Maria Theresa Trinidad, may-asawa at opisyal ng Regional Livelihood Alliance Foundation (RLAF). Sugatan naman ang kausap ni Trinidad na si Mario Cabacungan matapos na tamaan ng ligaw na bala ng baril sa tuhod. Nagsikatas naman ang mga suspek sakay ng traysikel na walang plaka.
(Christian Ryan Sta Ana)