^

Probinsiya

Truck vs tractor: 3 dedo, 10 grabe

-
IBA, Zambales – Tatlong sibilyan ang iniulat na nasawi habang sampu naman ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang isang mini-dump truck at isang tractor (kuliglig) sa bahagi ng Sitio Lawak, Barangay Amungan sa bayan ng Iba, Zambales, kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa namatay na biktima ay ang mag-asawang Tomas at Melinda Marcial at si Joana Marie Coloma, 9, na pawang naninirahan sa nabanggit na barangay.

Ginagamot naman sa Ramon Magsaysay Memorial Hospital ang mga sugatang biktima na sina Lean Mae Marcial, 2; Joan Marcial, 8; Joseph Coloma, 39; Leslie Marcial, 21; Evangeline Coloma, 10; Jonathan Coloma, 8; Jonalyn Coloma, 29; Joselito Coloma, 2; Ryan Marcial, 22; at Precious Marcial Manalaysay, 12, na pawang naninirahan sa Barangay San Miguel, Botolan, Zambales.

Sa ulat na ipinarating ni P/Chief Inspector Remigio Magno kay P/Senior Supt. Arrazad Subong, nabatid na pauwi na ang mga biktimang sakay ng cart trailer na hinihila ng kuliglig nang bigla mabundol ng isang kulay asul na mini-dump truck (CRC 282) na minamaneho ni Larry Mendoza ng Sitio Marangla, San Agustin ng bayang nabanggit.

Mabilis na tumakas ang drayber ng dump truck matapos na mamataang duguang bumulagta ang mga biktima. (Fred Lovino)

vuukle comment

ARRAZAD SUBONG

BARANGAY AMUNGAN

BARANGAY SAN MIGUEL

CHIEF INSPECTOR REMIGIO MAGNO

EVANGELINE COLOMA

FRED LOVINO

JOAN MARCIAL

JOANA MARIE COLOMA

JONALYN COLOMA

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with