^

Probinsiya

2 suspek sa Isabela masaker, kinasuhan

-
AURORA, Isabela – Pormal nang kinasuhan ng pitong bilang ng pagpatay at robbery, ang mag-asawang suspek sa brutal na pagmasaker sa isang pamilya sa bayang ito na kinabibilangan ng mag-asawang trader, anak at tatlong apo noong nakalipas na Sabado, Marso 18.

Sa pahayag kahapon ni P/Supt. Israel Baltazar, hepe ng Aurora police station, kinasuhan ang mag-asawang Eddie Obarre at Charita matapos ang brutal na pagpaslang sa kanilang amo na sina Victorio Romero, 63; asawang si Victoria, 60; dalawang anak na sina Joy Guevarra, 36; at Hazel Bartolome, 28; kabilang na ang tatlong apo na sina Carmeline, 9; Cielo, 7; at Angelo, 4.

Unang sumuko ang mag-asawang Obbare sa Camp Olivas, Pampanga noong Sabado ilang araw ang nakakalipas matapos mabasa sa pahayagan at lumabas sa telebisyon ang pagkakadiskubre sa mga bangkay ng biktima kung saan itinuturong suspek ang mag-asawang Obarre.

Inamin ng mag-asawa na may kinalaman nga sila sa krimen, subalit iginigiit ng mga ito na si Ramelito Ybanez, drayber ng pamilya Romero ang nagsagawa sa krimen.

Ayon sa pulisya, natakot ang mag-asawa sa banta ni Ybanez na pasasabugin ang granadang hawak nito kung hindi sila tutulong habang isinasagawa ang krimen.

Matapos ang krimen ay isinama ang mag-asawa ni Ybanez sa kanilang pagtakas kung saan naghiwa-hiwalay na lamang pagsapit sa Tarlac kung saan dito nakakuha ng pagkakataong sumuko sa awtoridad matapos makunsensiya sa sinapit ng mga biktima.

Kasalukuyan pa ring nakaburol ngayon ang mga labi ng pitong mag-anak sa kanilang bahay sa Barangay Tanza, Aurora, Isabela. (Victor P. Martin)

vuukle comment

BARANGAY TANZA

CAMP OLIVAS

EDDIE OBARRE

HAZEL BARTOLOME

ISABELA

ISRAEL BALTAZAR

JOY GUEVARRA

MAG

RAMELITO YBANEZ

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with