^

Probinsiya

72-anyos na lolo kinatay

-
CAMP CRAME – Matinding galit dahil sa selos kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 72-anyos na lolo ng kanyang bayaw makaraang akusahan ang biktima na may relasyon ito sa live-in partner ng huli sa naganap na karahasan sa Barangay Quiot, Cebu City, kamakalawa ng umaga.

Labing-isang saksak ng patalim ang bumutas sa katawan ng biktimang si Antonio Pille na binawian ng buhay, ilang oras matapos na isugod sa Cebu City Medical Center.

Inamin naman ng suspek na si Arcadio Saycon, 68, ang krimen na naganap dakong alas-6 ng umaga habang ang biktima ay nakatayo sa poste ng kuryente sa nabanggit na barangay.

Sa himpilan ng pulisya sa Cebu City, inamin ni Sayson na sa nakalipas na limang buwan ay plinano niyang paslangin ang biktimang asawa ng kanyang utol matapos na maaktuhan ang kaniyang live-in-partner na si Francesca Pepito, 50, at ang biktima na magkasabay na lumabas mula sa kanilang banyo noong isang gabi.

Napag-alamang kapwa naman itinanggi nina Pepito at Pille na may namamagitan sa kanila matapos na komprontahin ni Sayson.

Nabatid na sina Sayson at Pepito ay naninirahan ilang metro ang layo mula sa bahay ni Pille sa Beltran Subdivision, Upper Yati, Barangay Quiot sa nabanggit na lungsod.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon ng pulisya, na simula ng komprontahin ng suspek si Pille sa pakikipagrelasyon nito sa kaniyang live-in-partner ay kalimitan na siyang hinahanapan at pinupuna sa munting mga pagkakamali.

Ayon sa ulat, habang inaatado ng saksak ni Sayson si Pille ay aksidenteng tinamaan ng patalim ang kanyang kanang hita kaya naratay sa Cebu City Medical Center Nahaharap ngayon sa kasong murder ang suspek matapos na mabatid ng mga awtoridad na planado ang krimen. (Joy Cantos)

vuukle comment

ANTONIO PILLE

ARCADIO SAYCON

BARANGAY QUIOT

BELTRAN SUBDIVISION

CEBU CITY

CEBU CITY MEDICAL CENTER

CEBU CITY MEDICAL CENTER NAHAHARAP

FRANCESCA PEPITO

JOY CANTOS

SAYSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with