^

Probinsiya

Bahay sinalpok ng kotse: Ina tigok, 2 anak grabe

-
LUCENA CITY – Isang 49-anyos na misis ang iniulat na namatay habang nasa kritikal na kalagayan ang kanyang dalawang anak makaraang salpukin ng kotse ang bahay ng mag-iina sa Purok Sariling Atin, Barangay Gulang-gulang, Lucena City, kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa ospital sanhi ng mga grabeng pinsala sa katawan at ulo si Lorna Pasamba, samantala, inoobserbahan ang kanyang dalawang anak na sina Jessica, 16, fourth year high school at John Rafael, 9-buwan gulang.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Gerardo de Chavez at SPO1 Benjie Jabrica, naitala ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi habang magkakasamang nanonood ng telebisyon ang mag-iina sa loob ng kanilang bahay.

Bigla na lamang bumangga sa bahay ng mga biktima ang isang Alfa Nissan Camper (TFT-983) na minamaneho ni dating Quezon 1st district Board Member Claro Talaga, kapatid ni Lucena City Mayor Ramon Talaga Jr.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nawasak ang bahay ng mga pamilya Pasamba na malubhang ikinasugat din ni Claro Talaga.

Lumalabas sa pagsisiyasat na binabagtas umano ni Talaga ang kahabaan ng Maharlika Highway patungo sa Lucena City ng mawalan ng control at tuluy-tuloy na bumangga sa bahay ng mga biktima.

May teorya naman ang pulisya na nakainom ng alak ang dating board member kung kayat nawalan ito ng kontrol sa pagmamaneho. (Tony Sandoval)

vuukle comment

ALFA NISSAN CAMPER

BARANGAY GULANG

BENJIE JABRICA

BOARD MEMBER CLARO TALAGA

CLARO TALAGA

JOHN RAFAEL

LORNA PASAMBA

LUCENA CITY

LUCENA CITY MAYOR RAMON TALAGA JR.

MAHARLIKA HIGHWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with