Engr., 1 pa niratrat sa videoke bar
March 27, 2006 | 12:00am
CAVITE Dalawa ang nasawi kabilang ang isang engineer habang isa ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng tatlong lalaking nakaaway nila sa loob ng isang videoke bar sa Trece Martires City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga nasawing sina Manuel Atas, 41, may asawa, city engineer, residente ng Brgy. Inocencio at Modesto Orpilla, 35, ng Brgy. De Ocampo na kapwa hindi na umabot ng buhay sa ospital habang kritikal pa rin ang kondisyon ng biktimang si Roberto Sierra, 44, may-asawa, driver ng Brgy. Aguado.
Nadakip naman sa follow-up operation ang mga suspek na nakilalang sina Michael Consumo, 30, binata, caretaker, ng Brgy. De Ocampo; Richard Nieva, 22, driver, may asawa at Michael Maxwell, 27, may asawa, driver at kapwa residente ng Brgy. Lapidario.
Base sa ulat, dakong alas-11:50 ng gabi nang magkaroon ng batuhan ng bote sa pagitan ng grupo ng mga suspek at mga biktima nang magtalo ang mga ito sa hindi malamang kadahilanan habang sila ay nag-iinuman sa Isla Gardenia videoke bar na nasa Brgy. Luciano. Naging dehado sa insidente ang mga suspek kaya nagpasiyang umalis ang mga ito ngunit ilang minuto lamang ang nakakaraan nang magbalik ay armado na ng shotgun at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima. (Lolit Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest