Negosyanteng Bumbay tinodas
March 26, 2006 | 12:00am
CAVITE Isa na naman negosyanteng Bumbay ang iniulat na pinaslang makaraang barilin ng hindi kilalang lalaki sa naganap na karahasan sa Barangay Real 1, Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi. Ang biktimang naka-motorsiklo nang barilin ng isa sa dalawang holdaper ay kinilalang si Balbir Singh, 52, may-asawa, ng Samala Subd., Medicion 2, Imus, Cavite at pansamantalang nanunuluyan sa Justinville Real 2, Imus, Cavite. Ayon kay PO2 Lawrence Erese, sakay ng motorsiklong may plakang UH1736 ang biktimang nang harangin ng dalawang hindi kilalang lalaki. Napag-alamang matapos na holdapin ang biktima ay binaril ng isa sa holdaper saka lumayo ang dalawang armadong kalalakihan. Kahit may tama ng bala ng baril ang biktima ay nagawa nitong paandarin ang motorsiklo, subalit bumulagta may ilang metro lamang ang layo sa kanilang bahay. (Cristina Timbang)
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Lima-katao na pinaniniwalaang may ibat ibang kinakaharap na kasong kriminal ang nasakote ng pulisya sa magkakahiwalay na serye ng operasyon sa lalawigan ng Albay at Quezon, kamakalawa. Kasalukuyang iniimbestigahan at pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Rommel Lanuza ng Barangay San Antonio, Pilar, Sorsogon; Jose Edgar Coderes ng Brgy. Cagpacol, Juban, Sorsogon; Sabino Pasaje ng Davao City; Yolanda Azul ng Brgy. 28, Legazpi City at Arturo Bamba ng Brgy. Poblacion, Sta. Elena, Camarines Norte. Ayon kay P/Chief Supt. Victor Boco, provincial director, ang pagkakadakip sa mga suspek ay bunsod ng pinaigting na kampanya laban sa naglipanang kriminal sa ibat ibang bayan sa Kabikulan. (Ed Casulla at Francis Elevado)
ANTIPOLO CITY, Rizal Pinagpapalo ng batuta sa ulo hanggang sa mapatay ang isang 40-anyos na obrero ng isang sekyu makaraang magtalo habang nag-iinuman ng alak sa Barangay Mayamot ng nabanggit na lungsod, kahapon ng madaling-araw. Halos sumabog ang bao ng ulo ng biktimang si Rodel Returan ng Kungsville Subd. ng nasabing barangay, samantalang tugis ng pulisya ang suspek na si Freddie Acaso, 36, security guard ng naturang subdibisyon. Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO2 Willy Sumait, magkasamang nag-iinuman ng alak ang dalawa nang magkainitan sa isyung politika hanggang sa magkasigawan at nauwi sa suntukan. Dito na binatuta ng suspek ang kainumang biktima hanggang sa mapaslang. (Edwin Balasa)
CAMP CRAME Tinambangan at napatay ang isang 49-anyos na barangay councilor ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay papasok ng trabaho sa Barangay Concepcion sa bayan ng Lubao, Pampanga, kamakalawa ng umaga. Napuruhan sa katawan ng mga tama ng bala ng baril ang biktimang si Conrado Caspilan ng Barangay Sto. Domingo na naglalakad nang pagbabarilin ang dalawang armadong kalalakihan. Agad namang tumakas ang mga killer sakay ng motorsiklo, samantala, inaalam ng pulisya ang tunay na motibo ng krimen. (Doris Franche)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended