^

Probinsiya

Katiwala ng gobernador tinodas

-
DAET, Camarines Norte – Pinaniniwalaang pinaslang ang isang 53-anyos na katiwala ng gobernador makaraang matagpuan ang bangkay nito sa gilid ng kalsadang sakop ng Purok 1, Barangay Bagasbas sa bayan ng Daet, kamakalawa ng madaling-araw. Ang biktimang nagtamo ng malalim na sugat sa noo ay nakilalang si Wilson Desbarro, pansamantalang naninirahan sa Barangay Bagasbas at tumatayong personal assistant ni Governor Jesus Typoco Jr. ng Camarines Norte. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sumemplang ang motorsiklo ng biktima kaya tumama ang ulo sa puno, subalit iginiit ni Gov.Typoco na hindi aksidente ang pagkamatay ng biktima dahil sa tinamong sugat sa noo at batok na pinaniniwalaang pinalo ng matigas na bagay. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso ng biktima. (Francis Elevado)

BARANGAY BAGASBAS

CAMARINES NORTE

DAET

FRANCIS ELEVADO

GOVERNOR JESUS TYPOCO JR.

PATULOY

PINANINIWALAANG

PUROK

TYPOCO

WILSON DESBARRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with