Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD), dakong alas -10:58 ng gabi ng maitala ang pag-aalburuto ng Mt Bulusan may taas na 1,115 talampakan.
Dahil sa abnormalidad na ipinakikita ng bulkan, pinapayuhan ni OCD Deputy Administrator Dr. Anthony Golez ang mga residente na dumistansya sa layong 4 kilometer exclusive danger zone para maiwasan ang panganib sakalit tuluyang maganap ang malakas na pagsabog.
Wala namang naitalang nasugatan sa biglaang pagsabog ng Bulkang Bulusan na ang ash fall ay umabot hanggang sa bayan ng Irosin, Sorsogon kabilang na ang mga Barangay Cogon, Tinampo, Gulang-gulang, Puting Sapa, San Roque, Bolos, Bura-Bura.
Patuloy ang pagmamatyag ng Philvolcs sa Mt. Bulusan na anumang oras ay muling sumabog, samantalang nagpadala ng mga doctor si Sorsogon Governor Raul Lee sa mga barangay na apektado ng ash fall upang pangalagaan ang kalusugan ng mga residente partikular na ang kabataan mag-aaral.
Kasalukuyang nakahanda na ang mga kinauukulan saanmang oras na magaganap sa Mt. Bulusan.
Magugunita na noong Hunyo 1991 ay biglang sumabog ang Mount Pinatubo sa lalawigan ng Zambales na isa sa naitalang pinakamalakas na pagsambulat ng bulkan sa bansa sa loob ng 20 dekada. (Joy Cantos/Ed Casulla)