5 pinatay sa sabungan
March 22, 2006 | 12:00am
CABANATUAN CITY May posibilidad na inggitan sa negosyo ang motibo kaya niratrat hanggang sa mapaslang ang limang sibilyan sa loob ng sabungan sa Barangay Pambuan, Gapan City, Nueva Ecija noong Lunes ng hapon.
Ayon kay P/Supt. Roel Obusan, hepe ng intelligence and investigation branch, pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan ng suspek na responsable sa krimen at kasalukuyang nangangalap ng ebidensya para masampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek.
Base sa record ng pulisya, binistay ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ang mga biktimang nasawi na sina Ebertson at Ericson Pascual na kapwa anak ng trader na si Boy Pascual, may-ari ng sabungan; Dr. Juanito Reyes; at ang dalawang sikyu na sina Carino Caring at Jessie Pablo.
Samantalang ginagamot naman sa Nueva Ecija Doctors Hospital ang mga sugatang sina Virgilio Malgapo at Michael Carlos,
Nakarekober sa crime scene ang 109 na basyo ng ibat ibang baril matapos na rumesponde ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO). (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am