^

Probinsiya

Mag-ina dedo sa ambush

-
OLONGAPO CITY – Isa na namang lider ng militanteng grupo sa Central Luzon ang malubhang nasugatan, habang nasawi ang kanyang mag-ina sa naganap na pananambang sa Barangay San Pablo, Castillejos, Zambales, kamakalawa ng tanghali.

Kasalukuyang ginagamot sa James L. Gordon Memorial Hospital ang biktimang si Amante Abelon, 40, ng Sitio Mawao, Barangay San Pablo, Castillejos at vice chairman ng Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL).

Samantalang, nasawi naman ang mag-inang Agnes, 30 at ang 5-taong gulang na anak na si Elvin John na kapwa kasama ni Abelon sakay ng motorsiklo.

Sa ulat, dakong alas-11:45 ng tanghali habang ang mga biktimang lulan ng motorsiklo patungo sa Sitio Mawao nang biglang ratratin ng mga armadong kalalakihan.

Si Abelon na ex-barangay kagawad sa Barangay San Rafael, San Marcelino, Zambales ay itinuturing na mahigpit na kritiko bilang lider ng samahang AGML sa gitnang Luzon ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Arroyo.

Isinasangkot naman ng nasabing grupo ang pananambang sa kanilang lider si Army Maj. Gen. Jovito Palparan ng 7th Infantry Battalion ng Philippine Army bilang mastermind sa sunud-sunod na pagdukot at pagpatay sa matataas na lider ng militanteng grupo sa bansa partikular sa gitnang Luzon. (Jeff Tombado)

AMANTE ABELON

ARMY MAJ

BARANGAY SAN PABLO

BARANGAY SAN RAFAEL

CASTILLEJOS

CENTRAL LUZON

ELVIN JOHN

GITNANG LUZON

GORDON MEMORIAL HOSPITAL

SITIO MAWAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with