3 tulak ng droga nasakote
March 21, 2006 | 12:00am
BALANGA CITY, Bataan Tatlo-katao na pinaniniwalaang notoryus na tulak ng droga ang nasakote ng mga tauhan ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa Bataan, kamakalawa. Kabilang sa mga suspek na ngayon ay naghihimas ng rehas na bakal ay kinilala ni P/Senior Supt. Hernando Zafra, provincial director, na sina Vibiana Gracia y Blas, 29, ng Blk 9, H-61, Sta Monica Subd., Barangay Camaya, Mariveles; Lizbert Oliveria, alyas Bato, 26, ng Del Rosario, Pilar at Joven Ragasa, 26, ng Barangay Cataning, Balanga City. Ayon kay P/Chief Insp. Luisito Magnaye, ang mga suspek ay nasa talaan ng pulisya bilang notoryus na tulak ng bawal na gamot sa Balanga City, Bataan. Pormal na sinampahan ng kaukulang kaso ang tatlong suspek na nakumpiskahan ng 9.4156 na gramo ng shabu na may market value P60,000. (Jonie Capalaran)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest