^

Probinsiya

7 mangingisda na nawawala nasa Vietnam

-
SUBIC, Zambales – Natagpuan na ang pitong mangingisdang naiulat na nawawala noon pang Pebrero 22 makaraang mailigtas ng Vietnamese patrol boat sa karagatang sakop ng Vietman, ayon sa ulat kahapon.

Ayon sa Philippine Coast Guard, ang mga biktima ay naisalba habang nakakapit sa nakalutang na bangkang-de-motor na F/B Rodel 3-JR matapos na salpukin ng malakas na alon habang naglalayag sa karagatang sakop ng Zambales.

May ilang araw din palutang-lutang ang pitong mangingisda habang nakakapit sa ilang bahagi ng bangkang lumubog hanggang sa mamataan ng patrol boat ng bansang Vietnam.

Kabilang sa nailigtas ay sina Judy dela Cruz, Jerry dela Cruz, Efren Taytay, Ian Tabios, Harold Evangelista, Nonoy Rentillo at Jeffrey Gabalani.

Samantala, nakipag-ugnayan na ang Phil. Coast Guard sa Department of Foreign Affairs (DFA), upang mapadali ang pagpapabalik sa bansa ng mga biktima. (Fred Lovino)

vuukle comment

B RODEL

COAST GUARD

CRUZ

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EFREN TAYTAY

FRED LOVINO

HAROLD EVANGELISTA

IAN TABIOS

JEFFREY GABALANI

NONOY RENTILLO

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with