Isabela masaker: 7 patay
March 21, 2006 | 12:00am
ISABELA Malagim na kamatayan ang sumalubong sa pitong miyembro ng pamilya makaraang pagtulungang tagain ng mga hindi kilalang lalaki sa naganap na masaker sa Barangay Tanza, Aurora, Isabela kamakalawa ng madaling-araw.
Kabilang sa duguang mga biktimang natagpuan ang mga bangkay kahapon ng umaga sa loob ng kanilang bahay ay nakilalang sina Victorio Romero, 63; Victoria Juan Romero, 60, Joy Romero-Guevarra, 36; Hazel Bartolome, 28; Carmeline, 9; Cielo, 7 at Angelo, 7.
Sa ulat ni P/Senior Inspector Baltazar Israel, police chief ng bayan ng Aurora, bandang alas-11 ng umaga kahapon ng magtungo ang isa sa utol ng matandang Romero sa kanilang bahay para usisain dahil walang sumasagot sa celfone.
Maging sa pintuan ng mga biktima ay walang nagbukas matapos na kumatok ang utol ng matandang Romero, kaya napilitang sirain hanggang sa lumantad ang mga duguang bangkay ng mga biktima sa ibat ibang bahagi ng sulok ng bahay.
Sa pagsisiyasat ng mga operatiba ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), may palatandaang mga sugat ng matalim na itak at bakal sa ibat ibang bahagi ng katawan at posibleng nanlaban ang mga ito.
Napag-alamang kilala ang pamilya Romero sa nabanggit na bayan na palay buying station dahil umaangkat ito ng palay sa ibat ibang bahagi ng Isabela.
Nabatid din sa pulisya na nawawala ang drayber at katulong na babae na pinaniniwalaang tumangay ng malaking halaga at responsable sa malagim na kamatayang sinapit ng buong pamilya.
May teorya ang pulisya na dakong alas-4 ng madaling-araw ng isinagawa ang krimen at nadiskubre lamang ang mga bangkay ng biktima kahapon ng umaga matapos na puntahan ng nakatatandang kapatid ng matandang Romero. (Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended