2 killer ng brgy. sec., timbog
March 20, 2006 | 12:00am
ZARAGOSA, Nueva Ecija Bumagsak sa kamay ng pulisya ang dalawang lalaki na sinasabing suspek sa pagkamatay sa isang opisyal ng barangay dito, noong Nobyembre 11, 2005.
Kinilala ni P/Supt. Eliseo Cruz, pinuno ng Provincial Special Operations Group (PSOG), ang dalawang nahuling suspek na sina Joel Paderan, 27, may-asawa, magsasaka at si Emmanuel Roguel, 33, binata, driver at kapwa ng Barangay Batitang dito.
Naaresto ng pulisya ang dalawa sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rodrigo S. Caspillo, RTC Branch 24 ng Cabanatuan City. Dinakip ang dalawa nina SPO1 Noel Marzan, SPO1 Macario Romano, SPO1 Jonathan Pascual, at PO2 Victor Moises.
Ang warrant ay inisyu ni Caspillo noon pang Marso 15, 2006 laban kina Paderan at Roguel na may Criminal case number 1564-AF.
Sa rekord ng korte, nabatid na pinatay ang biktima na si Javier Lagadan, barangay secretary ng Barangay Batitang, ng tatlong suspek sa pamamagitan ng walang-tigil na pagpalo sa ulo at katawan ng biktima ng mga suspek.
Ang isang suspek na si Rodolfo Castillo na hinihinalang lider ng mga ito ay agad nahuli ng mga pulis at nakapiit na ngayon sa provincial jail sa Barangay Caalinbangbangan, Cabanatuan City.
Umaawat lang umano si Lagadan, sa nagwawalang suspek subalit siya ang napagbuntunan ng galit ng mga suspek.
Ang pamilya Lagadan ay humingi ng tulong kay Nueva Ecija Gov. Tommy Joson III dahil sa kabagalan nang pag-usad sa kaso. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest