Sinabi ni SBMA Chairman Feliciano Salonga na ang mga proyekto ay kinabibilangan ng mga negosyo sa turismo, shipping services, manufacturing, information technology at iba pa.
"Simula ng isagawa ang port modernization project at ang Subic-Clark-Tarlac Road ay lalong dumami ang mga foreign investors ang nagpahayag ng interes na magbukas ng negosyo sa Subic," ani Salonga.
Kabilang sa mga bagong business project ay ang US$870,000 manufacturing plant ng Coin Chemical Subic, Inc. para sa mga produktong trade paints, lithium-ion batteries at bio-cosmetics.
Sumunod ang plastic products manufacturer Subic Amino High-tech Corp. na nagkakahalaga ng ($625,000).
Aprubado rin ang HL Speedy Trans Inc. na magpapasok sa Subic Bay Freeport ng $134,400 puhunan para sa operasyon ng trucking at hauling services sa loob ng secured area.
Ang kompanya ay magsisilbing forwarder ng isa pang bagong kompanya, ang Wan Hai Lines (Phils.) na may capital investment na $8,525.
Kabilang din ang International Family Food Services, Inc., $115,300; Subic Hwa Dong Inc., $60,000; Shakeys at Phil. Green Field Intl., Inc., $47,000; Gangmac Seafood Restaurant, $7,000; electronics communications/computer producer Gigatek Subic Bay Inc., $1.7 milyon; web designer KWT Computer Systems, Inc., $115,300; water treatment equipment manufacturer Vann Tech Subic Bay Corp., $36,000.
Itatayo naman ng Wartsila Land and Sea Academy, Inc. ang Maritime and Powerplant Training Center sa halagang $120,500; samantalang ang Marquita Nagal Hunt Collection ay para sa pag-aaral at pananaliksik ng stamps at mga lumang salapi. (Jeff Tombado)