^

Probinsiya

Preso takot mabitay, nag-suicide

-
CAMP CRAME – Pinaniniwalaang dumanas ng matinding takot na ilipat sa National Bilibid Prisons sa Muntilupa City, isang provincial detainee ang nag-suicide makaraan itong uminom ng sangkatutak na monosodium glutamate (vetsin) sa naganap na insidente sa Kabankalan City, Negros Occidental, ayon sa ulat kahapon.

Bumubula pa ang bibig ng isugod sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital ang biktimang si Rolly Pacunla, 42, ng Barangay Tampalon, Kabankalan City, subalit binawian ito ng buhay dakong alas-9 ng gabi.

Base sa ulat, ilang oras matapos mananghalian ay hinaluan ni Pacunla ng vetsin ang iniinom nitong orange juice at hindi ito tumigil nang kaiinom habang halos umapaw naman sa dami ang vetsin na inilagay nito.

Matapos ito ay nagsimulang sumakit ang tiyan ni Pacunla na nagsabi pang tatakas siya sa bilangguan kapag nagkaroon siya ng pagkakataon.

Kasunod nito ay nagsusuka ang biktima at nakaramdam ng pagkahilo, pananakit ng ulo at tiyan kaya kaagad itong isinugod sa nasabing pagamutan ng mga guwardiya sa bilangguan.

Narekober sa ilalim ng kama ni Pacunla ang maraming sachet ng monosodium glutamate at bukod dito ay nakita pa ang residue ng vetsin sa basong ininuman nito.

Sa pahayag sa mga awtoridad ni Prudencio, kapatid na bilanggo ni Pacunla, sinabi sa kaniya ng biktima na mamatamisin pa niyang mamatay kaysa ibiyahe sa kulungan sa Muntinlupa City.

Nabatid sa record ng korte na ang magkapatid na Pacunla ay nakulong sa provincial jail matapos sentensiyahan ni Kabankalan City Judge Henry Arles ng 40 taong pagkakabilanggo sa kasong pagpatay kay Greg Padu-ong sa Barangay Tampalon, Kabankalan City, Cebu noong Pebrero 22, 2002. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY TAMPALON

CORAZON LOCSIN MONTELIBANO MEMORIAL REGIONAL HOSPITAL

GREG PADU

JOY CANTOS

KABANKALAN CITY

KABANKALAN CITY JUDGE HENRY ARLES

MUNTILUPA CITY

MUNTINLUPA CITY

NATIONAL BILIBID PRISONS

PACUNLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with