Bata natusta sa sunog
March 17, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Natusta ang katawan ng isang 2-anyos na batang babae habang sugatan naman ang kanyang lolo at lola nang tangkaing isalba ang paslit na nakulong ng apoy sa nasusunog nilang tahanan sa Sitio Dapdap, Barangay Bugas, Badian, Cebu kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Karen Rusiana, habang ang mga sugatan ay sina Sotero at Agapita Rusiana na kapwa 84-anyos ay mabilis na isinugod sa ospital.
Naitala ang insidente pasado alas-7 ng gabi sa bahay ng mag-asawang Rusiana sa nabanggit na barangay.
Nabatid na ang bata ay inihabilin ng mga magulang sa pangangalaga ng kanilang lolo at lola simula pa noong Sabado dahil maghahanap ng trabaho sa Cebu City.
Ang dalawang kapatid ni Karen ay nakaligtas sa insidente dahil nakikipanood ng telebisyon sa kanilang kapitbahay.
Lumilitaw sa imbestigasyon na nasipa ng biktimang nasawi ang lamesa na kinalalagyan ng gaserang bumagsak kaya pinagmulan ng sunog hanggang sa maabo ang kanilang barung-barong.
Naapula ang sunog makalipas ang ilang oras matapos na magresponde ang mga bumbero.
Narekober sa lugar ang natustang katawan ng biktima na halos hindi na makilala.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended