^

Probinsiya

4 tugis sa kasong illegal recruitment

-
DAET, Camarines Norte – Tugis ng pulisya ang mag-ina at dalawa pang iba na responsable sa kasong illegal recruitment sa bayan ng Mercedez, Camarines Norte na bumiktima sa anim na sibilyan na nagbigay ng malaking halaga kapalit ng trabaho sa ibang bansa. Kinilala ng pulisya ang mag-inang suspek na sina Wilma Mancenido at Jenneth. Inireklamo rin ng mga biktima ang dalawang suspek na sina Faizal Pendaton, 39, ng Ecology Village, Barangay Gubat, Daet at isang alyas Genia. Kabilang sa mga biktima na dumulog sa himpilan ng pulisya ay nakilalang sina Erick Cabezudo, 29; Emilyn Cuarte, 25; Rogelio Escasinas, 29; Josephine Totanes, 38; Leonilo Royol Jr., 23; Erwin Ibias, 30. Napag-alamang malaking halaga ang naibigay ng mga biktima sa apat na suspek kapalit ng trabaho sa ibang bansa. (Francis Elevado)
4-katao tiklo sa buy-bust
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Apat-katao na pinaniniwalaang sangkot sa pagpapakalat ng bawal na gamot ang dinakip ng pulisya sa isinagawang buy-bust operations sa magkahiwalay na bayan ng Plaridel at Pulilan, Bulacan, kamakalawa. Kabilang sa mga suspek na pormal na kakasuhan ay nakilalang sina Norberto Frieno y Lopez, 34; Marilyn Fernando y Cruz, 30; Willie Santiago y Balagtas, 39; at Arvee Palomares, 19, ng Barangay Cutcot, Pulilan. Sa ulat ni P/Senior Supt. Benedict Michael Forno, provincial police director, ang mga inaresto sa bayan ng Plaridel ay nakumpiskahan ng dalawang plastic sachets ng shabu (0.023 gramo). Sa bayan ng Pulilan, Bulacan ay nakumpiskahan ang mga suspek ng 5-tea bag ng pinatuyong dahon ng marijuana (11.889 gramo). (Dino Balabo)

ARVEE PALOMARES

BARANGAY CUTCOT

BARANGAY GUBAT

BENEDICT MICHAEL FORNO

BULACAN

CAMARINES NORTE

DINO BALABO

ECOLOGY VILLAGE

EMILYN CUARTE

PULILAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with