Suspek sa P.5-M holdap, timbog
March 15, 2006 | 12:00am
LUCENA CITY Isa sa mga suspek sa P.5 milyong holdap ang nasakote ng pulisya makaraang sumalpok sa pampasaherong dyip ang motorsiklong sinasakyan ng una sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Gulang-gulang, Lucena City, kamakalawa.
Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang suspek na si Ramil San Diego, 31, may-asawa at residente ng Tabo, Calamba City, Laguna.
Ayon kay P/Senior Supt. Reuben Theodore Sindac, nakipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya ang suspek na si San Diego habang sakay ng isang motorsiklo matapos na holdapin ng kaniyang grupo ang negosyanteng si Romulo Lacuesta at natangay ng P.5-milyon.
Napag-alamang si Lacuesta ay sakay ng isang van (VAR-331) na minamaneho ng pinsan nitong si Freddie at kasama ang bodyguard /security na si Romeo Talpasido makaraang mag-withdraw ng naturang halaga sa Equitable Bank.
Matapos na holdapin ng grupo ni San Diego ang negosyante ay agad na tumakas, subalit hindi naman nawalan ng loob ang bodyguard ni Lacuesta at binaril ang suspek na sakay ng motorsiklo na naging sanhi upang ito ay bumangga sa isang passenger jeep na nagresulta para madakip ng pulisya.
Tugis naman ng pulisya ang iba pang suspek na sina Joel Lim, lider ng grupo; isang alyas Jonathan, Julius, na pawang residente ng Malolos, Bulacan; Alyas Jun ng Pangasinan; alyas Doming ng Laguna; at Lito Valida ng Metro Manila.
Ang grupo ng suspek ay responsable rin sa naganap na holdap kina Architect Claro Jose (P.3 milyon); Francis Dy (P.2 milyon at Antonio Angay (P1M). Nabatid na ang mga biktima ay pawang nag-withdraw ng pera sa bangko. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended