Ambush: Ex-kabesa, alalay todas
March 15, 2006 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Tinambangan at napatay ang dalawang sibilyan kabilang na ang isang dating barangay captain ng dalawang kalalakihang sakay ng motorsiklo sa naganap na karahasan sa Barangay Paguiroan, Floridablanca, Pampanga kahapon ng umaga.
Binistay ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ang katawan ng mga biktimang sina Arturo D. Paras, ex-barangay captain sa Barangay Del Carmen at alalay nitong Tyron Manalansan, 37.
Sa ulat na nakalap ni P/Chief Insp. Joanna Ponseca, naitala ang pananambang ganap na alas-6:45 ng umaga habang sakay ng Mitsubishi Gallant (BBF-316) ang mga biktima patungo sa kanilang kaibigan mula sa nabanggit na barangay.
Napag-alamang dinikitan ng motorsiklo na lulan ang dalawang naka-bonnet na kalalakihan ang kotse ng mga biktima at agad na umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril. Duguang nakabulagta ang dalawang biktima nang matagpuan ng mga awtoridad dahil sa maraming tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Pansamantalang nangangalap ng impormasyon ang pulisya upang matukoy ang tunay na motibo ng pananambang sa mga biktima.
Base sa rekord ng pulisya, tinambangan at napatay din ang barangay captain ng Del Carmen na si Jose Santos noong Febrero 26, 2006 at kasalukuyang hindi pa nareresolba ang kaso.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
9 hours ago
Recommended