^

Probinsiya

Rebelde patay sa Batangas encounter

-
BATANGAS CITY – Isang rebeldeng New People’s Army ang napatay makaraang makipagbarilan ang grupo ng mga rebelde sa tropa ng militar sa isang checkpoint sa bayan ng Tuy, Batangas kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Lt. Col. Ruben Carandang, commander ng 730th Philippine Air Force Combat Group, ang napatay na rebelde na si Crispin Pantoja Katigbak, alyas Ka Charlie, 33, residente ng Rillo St. sa nabanggit na bayan.

Ayon kay Carandang, nakasakay si Katigbak sa isang kotseng may plakang UMZ-231, kasama ang ilang rebelde nang parahin ng militar matapos na dumaan sa checkpoint na sakop ng Barangay Putol.

Imbes na tumigil ay sunud-sunod na pinaputukan ng grupo ni Katigbak, ang tropa ng militar at pulisya na nakabantay sa "Oplan Lambat" checkpoint na nasundan ng maigsing palitan ng putok.

Napatay kaagad si Katigbak sa unang buga ng putok na nagbunsod para magtakbuhan ang mga kasamahang rebelde sa iba’t ibat direksyon upang tumakas.

Hinabol ng mga tauhan ni Carandang ang mga tumakas na rebelde pero wala na itong naabutan.

Samantala, wala namang naiulat na namatay o nasaktan sa tropa ng gobyerno matapos ang isang mainitang running gunbattle.

Sa isinagawang clearing operation, narekober sa pinangyarihan ng encounter ang mga armas na tulad ng isang Galil rifle, tatlong M-16 Armalite rifles, isang AR-15 rifle, tatlumput-apat na assorted rifle magazines, mga subersibong dokumento at personal na gamit ng mga rebelde.

Nagsasagawa na ng malawakang pagtugis ang tropa ng militar at pulisya laban sa mga kasamahan ni Katigbak na nagkukuta sa kabundukan ng nabanggit na bayan. (Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

ARNELL OZAETA

BARANGAY PUTOL

CARANDANG

CRISPIN PANTOJA KATIGBAK

ED AMOROSO

KA CHARLIE

KATIGBAK

NEW PEOPLE

OPLAN LAMBAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with