^

Probinsiya

Pintor tinadtad, ginilitan

-
CAVITE – Natagpuang naliligo sa sariling dugo ang isang pintor ilang sandali matapos na umano’y magwala bunga ng matinding kalasingan na halos humiwalay na ang ulo nito sa katawan sanhi ng gilit sa leeg at tadtad ng taga na tinamo nito, kamakalawa ng gabi sa Barangay Binakayan sa bayan ng Kawit, lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Rogelio Glory, 46, biyudo, at residente ng Dumpsite Pulburista ng nasabing lugar habang hindi naman nakilala ang mga suspek na pumatay dito.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Serafin Villar, may hawak ng kaso, dakong alas-9 ng gabi nang matagpuan ang biktima na wala nang buhay habang nakahandusay sa nasabing lugar.

Ayon sa ilang saksi, huli nilang nakitang buhay ang biktima ilang oras lamang ang nakalipas habang ito ay lasing sa alak at naghahamon ng away hawak nito ang isang itak.

Hindi umano ito pinansin ng mga residente kung kaya laking gulat na lamang nila nang makitang patay na ito sa lugar kung saan siya nag-amok.

Bukod sa malaking gilit sa leeg ng biktima, nakitaan din siya ng awtoridad ng mga saksak sa katawan na paniniyak na hindi siya iiwang buhay ng mga salarin. (Cristina Timbang / Lolit Yamsuan)

vuukle comment

AYON

BARANGAY BINAKAYAN

BATAY

BUKOD

CRISTINA TIMBANG

DUMPSITE PULBURISTA

KAWIT

LOLIT YAMSUAN

ROGELIO GLORY

SERAFIN VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with