3 pulis absuwelto sa kasong murder
March 11, 2006 | 12:00am
LEGAZPI CITY Tatlong tauhan ng pulisya ang pinawalang sala ng mababang hukuman sa kasong murder noong Agosto 11, 2003 sa Legazpi City.
Sa 9-pahinang desisyon ni Judge Pedro Soriao ng Legazpi City Regional Trial Court, Branch 5, inabsuwelto sa kasong murder ang mga akusadong sina SPO1 Darwin Aragon, PO3 Felino Ate at PO1 Eddie Casili na nakulong ng limang buwan.
Base sa rekord ng pulisya, ang mga akusado ay kinasuhan ng murder ng pamilya ng biktimang napatay na si Roderick Bobis, isang dating security guard ng Jacal Security Agency sa naganap na hostage drama noong Agosto 11, 2003 sa Pacific mall ng nabanggit na lungsod.
Napag-alamang hinostage ng biktima ang sariling asawa hanggang sa mapatay ng mga akusado matapos na rumesponde sa naganap na insidente. Sa desisyon ng korte, tumupad lamang ng kanilang tungkulin ang mga akusado para mapanatili ang katahimikan sa nabanggit na lugar, at hindi planado ang pagkakapatay sa biktima.
Sa kasalukuyan ay nagbakasyon ang tatlong pulis na nakulong para makapiling ang kanilang pamilya, samantalang natuwa naman si P/Chief Supt. Victor Boco, regional director, sa pagkaka-absuwelto sa tatlong pulis na makakabalik sa kanilang tungkulin. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest