Killer ng estudyante, nasakote
March 10, 2006 | 12:00am
MEYCAUAYAN, Bulacan Isang 32-anyos na negosyante ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya sa bayan ng Meycauayan, Bulacan, matapos na mabaril at mapatay ang isang menor-de-edad na estudyante sa isang videoke bar noong Martes, (Marso 7).
Kinilala ni P/Supt. Fernando Villanueva, hepe ng pulisya ng bayang nabanggit ang suspek na si Kirk John Boiser ng Tierra Nova II, Bagumbong, Caloocan City.
Ayon sa pulisya, si Boiser ay itinuturong pangunahing suspek sa pagpatay kay Francis Albert Hafalla,15, ng Pieces Street, Phase 3, Sto. Niño Subdivision sa Barangay Perez ng nabanggit na bayan.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, magkahiwalay na umiinom ng alak sa OTB 2610 Videoke Bar ang dalawa noong Martes ng madaling-araw.
Napag-alamang hiniram ni Boiser ang song book ng videoke kay Hafalla, subalit nagalit ang biktima hanggang sa magtalo ang dalawa saka muling nagbalik ng kanyang mesa ang suspek.
Ilang minuto lamang ang nakalipas ay muling tumayo at lumapit ang suspek sa biktimang kumakanta at walang sabi-sabing pinaputukan ng baril sa ulo na ikinamatay ng estudyante.
Agad na sumakay sa kanyang kotseng Mitsubishi Lancer na may plakang PFH 895 ang suspek at tumakas.
Si Boiser ay naaresto matapos beripikahin ng pulisya ang plaka ng kotse nito sa Land Transportation Office (LTO) at halos tatlong oras din nakipagnegosasyon sa pamilya ng suspek bago ito tuluyang sumuko.
Sa pagsuko ng suspek, inamin nito na siya ang bumaril at nakapatay sa biktima, subalit sinabing lasing siya at hindi alam ang ginagawa.
Pormal na sinampahan ang suspek ng kasong murder at kasalukuyang nakakulong sa panglalawigang piitan sa Malolos. (Dino Balabo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest