^

Probinsiya

Kalinga masaker: 3 patay

- Ni Joy Cantos at Victor Martin -
CAMP CRAME – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang tatlong miyembro ng pamilya na ikinasugat ng malubha ng dalawang iba pa sa naganap na karahasan sa Sitio Ubog, Barangay Magsaysay bayan ng Tabuk, Kalinga, Apayao, ayon sa ulat kahapon.

Ang mga biktima na tadtad ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ay nakilalang sina Mercy Balangkad Gonzalo, 47; Salvador Candelario Gonzalo, 47; at Charlie Oddoc Cadater, 30.

Kasalukuyan namang inaagaw ni kamatayan ang buhay ng mga biktimang sina Pedro Gallema Gonzalo, 82 at Armstrong Albano Lay-og na kapwa ginagamot sa hindi nabatid na ospital.

Nabatid na kasalukuyang naghahapunan ang pamilya Gonzalo nang sumilip sa siwang ng pintuan sa may kusina ang mga suspek.

Bandang alas-9 ng gabi nang simulang ratratin ang bahay ng mga biktimang magkakatabi sa mesa.

Narekober ng mga nagrespondeng elemento ng 1605th Provincial Police Mobile Group ang mga basyo ng bala ng baril.

May teorya ang pulisya na alitan sa lupa ang isa sa motibo ng krimen habang sinisilip din ang ibang anggulo sa pagmasaker sa mga biktima.

vuukle comment

APAYAO

ARMSTRONG ALBANO LAY

BARANGAY MAGSAYSAY

CHARLIE ODDOC CADATER

MERCY BALANGKAD GONZALO

PEDRO GALLEMA GONZALO

PROVINCIAL POLICE MOBILE GROUP

SALVADOR CANDELARIO GONZALO

SITIO UBOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with