Trike drayber na holdaper, tiklo
March 9, 2006 | 12:00am
CABANATUAN CITY, Nueva Ecija Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang 22-anyos na trike drayber makaraang holdapin ang isang babae sa bahagi ng Kapitan Pepe Subd. sa Cabanatuan City, kamakalawa ng gabi. Kalaboso ang bagsak ng suspek na si Ferdinand Castro y Penson ng St. Nicholas Subd., Barangay Bantug Norte, samantalang narekober naman ang celfon ng biktimang si Jenette Rafanan ng St. John St. ng nabanggit na barangay. Sa ulat ng pulisya, sumakay ang biktima sa traysikel na minamaneho ng suspek para magpahatid sa kanilang bahay, subalit pagsapit sa madilim na bahagi ng naturang lugar ay isinagawa ang holdap. Nadakip ang suspek matapos na mamataan ng pulisya na hinahabol ng biktima. (Christian Ryan Sta. Ana)
CAVITE Kasalukuyang nakikipaghilahan kay kamatayan ang mag-aama makaraang mahagip ng motorsiklo habang tumatawid sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Salitran 2, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi. Ginagamot ngayon sa UMC Hospital ang mga mag-amang Rogelio Sotto, 38; at Raymund, 11, samantalang si Ryan, 6, ay inilipat sa Phil. General Hospital dahil sa maselang kalagayan. Napag-alamang kritikal din ang drayber ng motorsiklo (WW-5048) na si Edward Dominguez, 33, ng Silang, Cavite. Sa inisyal na ulat ni PO3 Nicanor Rosero, naganap ang sakuna sa madilim na bahagi ng naturang highway na posibleng hindi napansin ng drayber na tumatawid ang mag-aama. (Cristina Timbang)
CAVITE Tatlong kalalakihan na pangunahing suspek sa pagnanakaw ng malaking halaga sa Maitim Elementary School, ang nasakote ng pulisya sa isinagawang follow-up operation sa Barangay Maitim II East, Tagaytay City kamakalawa. Kabilang sa naghihimas ng rehas na bakal sa himpilan ng pulisya ay nakilalang sina Ronnie Laguerta ng Brgy. San Jose, Tagaytay City; Lolito Olazo ng Brgy. Maitim II East at Ronnel Olazo ng Brgy. Lalaan II, Silang, Cavite.
Batay sa ulat ni SPO3 Leonardo Mojica, ang mga suspek ay pangunahing suspek sa pagkawala ng malaking halaga at ilang mamahaling gamit sa silid ng punong-guro ng nabanggit na eskuwelahan. Unang nadakip ang dalawa hanggang sa ikanta ang lider ng grupo na si Laguerta. Napag-alamang si Laguerta ay may mga standing warrant of arrest sa kasong pagnanakaw. (Cristina Timbang)
CAMP CRAME Sumuko sa tropa ng militar ang apat na rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa magkakahiwalay na insidente sa lalawigan ng Quezon at Davao del Norte, kamakalawa. Ayon kay Army Spokesman Major Bartolome Bacarro, kabilang sa nagsisukong rebelde sa Armys 1st Infantry Battalion ay nakilalang sina Simon Balinsayo, alyas Gladys/Bubuy; Christopher Antonio, alyas Toting; Jason Baconaua, alyas Baby Ama at Fred Anting, alyas Mawi. Isinuko rin ng mga rebelde ang kanilang mga armas na apat M16 rifles, isang M14, isang M653, isang Garand, isang carbine, anim na magazines ng M14 na may 120 rounds ng bala at dalawang piraso ng wooden stack ng M14 rifle. (Joy Cantos)
Batay sa ulat ni SPO3 Leonardo Mojica, ang mga suspek ay pangunahing suspek sa pagkawala ng malaking halaga at ilang mamahaling gamit sa silid ng punong-guro ng nabanggit na eskuwelahan. Unang nadakip ang dalawa hanggang sa ikanta ang lider ng grupo na si Laguerta. Napag-alamang si Laguerta ay may mga standing warrant of arrest sa kasong pagnanakaw. (Cristina Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest