^

Probinsiya

Lider ng kidnaper nasakote

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Bumagsak sa kamay ng pinagsanib na elemento ng National Anti-Kidnapping Task Force at ng Traffic Management Group (TMG) sa Calabarzon ang itinuturing na lider ng kidnap-for-ransom group sa bayan ng Pila, Laguna noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Joel Orduña, TMG-Calabarzon director, ang suspek na si Edito Suyang, tubong Zamboanga City at residente ng Barangay Sampiruhan, Calamba City, Laguna.

Bandang alas-8:45 ng gabi nang mamataan ang suspek habang nagmamaneho ng sariling sasakyan sa kahabaan ng national highway na sakop ng bayan ng Pila

Naaresto si Suyang sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Roland How ng Parañaque City Regional Trial Court sa kasong kidnap-for-ransom.

Si Suyang na kasama sa talaan ng Department of Interior and Local Government na most wanted kidnaper ay may patong na P.3 milyong reward kung sinumang makakapagbigay ng impormasyon para sa kanyang ikadarakip. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY SAMPIRUHAN

CALABARZON

CALAMBA CITY

CITY REGIONAL TRIAL COURT

EDITO SUYANG

JOEL ORDU

JUDGE ROLAND HOW

NATIONAL ANTI-KIDNAPPING TASK FORCE

PILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with