Most wanted sa Zambales, tiklo
March 7, 2006 | 12:00am
OLONGAPO CITY Nasakote ng mga operatiba ng Zambales-Criminal Investigation and Detection Group ang tinaguriang pinaka-most wanted sa Zambales makaraang salakayin ang pinagkukutaan ng una sa bayan ng Palauig, Zambales kamakalawa ng umaga.
Sa isinumiteng ulat ni P/Supt.Christopher Tambungan kay CIDG regional director P/Senior Supt. Salvador Manga, nakilala ang suspek na si Rudy Anoba, 39, ng Barangay Bulawin sa nabanggit na bayan.
Ang pagkakadakip kay Anoba sa pamumuno nina PO3 Kim Gamboa ay bunsod ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Josefina Farrales ng Zambales Regional Trial Court, Branch 69.
Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal si Anoba at pormal na sasampahan ng kaukulang kaso na walang piyansang inirekomenda. (Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am