Milyong ari-arian sa palengke, tinupok ng apoy
March 7, 2006 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Umaabot sa milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang palengke sa bayan ng Candaba, Pampanga, kamakalawa. Sa ulat ni P/Chief Insp. Jovencio Flores, hepe ng pulisya sa bayan ng Candaba, nasunog ang dalawang bahagi ng palengke at ilang oras din ang itinagal bago naapula ang apoy ng mga pamatay-sunog mula sa bayan ng Sta. Ana, Mexico, Arayat at San Fernando City.
Posibleng may nag-init na linya ng kuryente sa loob ng nabanggit na lugar kaya nagsimula ang apoy hanggang sa kumalat sa ibang tindahan.
Hindi naman mapigil ang ilang kalalakihan na mangulimbat ng mga paninda habang nasusunog ang palengke.
Agad naman ipinag-utos ni Mayor Jerry Pelayo sa mga tauhan ng engineering office, ang pagpapagawa ng palengke partikular na ang mga naapektuhang tindahan. (Resty Salvador)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended