Kinilala ni P/Senior Supt. Alex Pumecha, spokesperson ng Cordillera police ang biktimang si P/Senior Insp. Antonio Marcos, chief of police sa bayan ng Sabangan sa lalawigan ng Mountain Province.
Sa inisyal na imbestigasyon, dakong ala-1:30 ng madaling-araw ay naglakad ang biktima patungo sa inuupahang St. Michael lodging house sa bahagi ng Sitio Kakading, Poblacion, Tadian, Mountain Province, para magpahinga nang harangin ng anim na kalalakihan.
Bagamat nagpakilala si Marcos na isang tauhan ng pulisya ay nagawang holdapin ng mga suspek bago kinuha ang kanyang cellphone at baril.
Hindi na pumalag ang biktima, subalit bago umalis ang mga suspek ay binaril ito sa dibdib na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Nagtayo na ngayon ng mga police checkpoint sa lahat ng exit point ng lalawigan, upang masakote ang mga pinaghahanap na mga holdaper.
May posibilidad na hindi pa nakakalayo ang mga holdaper sa nabanggit na bayan. (Victor Martin At Artemio Dumlao)