^

Probinsiya

Titser inireklamo ng 200 estudyante

-
MALOLOS CITY, Bulacan – Dahil sa umano’y ’di maayos na pagtuturo at pagbebenta ng miscellaneous supply sa mga mag-aaral, inereklamo ng mahigit 200 estudyante ng Malolos Fisheries School and Laboratory ang isa sa kanilang guro kay Bulacan Gob. Josie dela Cruz.

Batay sa 3-pahinang liham, ang inireklamo ay nakilalang si Gabriel Cruz, nagtuturo ng Technology and Livelihood Education (TLE) at Music Arts Physical Education and Health (MAPEH).

Ayon sa liham na pinirmahan ng mga estudyante, isa sa mga paboritong paksa na itinuturo ng guro sa kanila ay kung paano sumiping ang lalaki sa babae para magkaanak ng kambal.

Dahil dito, karaniwang nagkakaingay ang mga lalaking estudyante ni Cruz.

Sinabi pa ng mga estudyante sa kanilang reklamo na madalas ding magbenta ng mga materyales na gamit sa klase si Cruz katulad ng mga type writing paper na nagkakahalaga ng piso bawat isa samantalang, kung sa labas sila bibili ay mas mura ngunit, pinipigilan sila ng guro.

Ayon pa sa mga estudyante, maging ang module para sa kanilang klase ay ibinenta sa kanila nil Cruz ng P11 bawat isa matapos itong gawin sa computer room ng kanilang paaralan at ipa-zerox.

"Allergic daw si Sir Gabby sa chalk kaya module ang ipinagagamit sa amin," ani ng ilang estudyante na nakapanayam ng PSN.

Samantala, tinangka ng mga mamamahayag sa Bulacan na kunan ng pahayag si Cruz ngunit tumanggi itong magsalita. (Dino Balabo)

AYON

BULACAN

BULACAN GOB

CRUZ

DAHIL

DINO BALABO

GABRIEL CRUZ

MALOLOS FISHERIES SCHOOL AND LABORATORY

MUSIC ARTS PHYSICAL EDUCATION AND HEALTH

SIR GABBY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with