Radio broadcaster dinukot

CAMP CRAME – Isa na namang hard-hitting radio broadcaster at miyembro ng militant group ang nanganganib ang buhay matapos na umano’y dukutin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Aurora kahapon.

Sa isang sketchy report na ipinadala sa PNP-Central Operation Center, ang biktima ay kinilalang si Joey Escriber, 46-anyos at miyembro ng grupong Bayan Muna at radio broadcaster ng programang Pag-usapan Natin ng Radio DSJO na nakabase sa Mount Carmel College sa Baler. Aurora.

Ayon sa report, si Escriber ay tauhan din ng Bahay Talakayan para sa konstruksyon at ikauunlad ng Sambayanan (BATARIS), isang left leaning organization at secretary general ng multi-sectoral action group.

Sinabi ng mga saksi na habang naglalakad si Escriber sa kahabaan ng Burgos St. sa Baler nang biglang harangin ng ilang kalalakihan at sapilitang isinakay sa isang pulang van na walang plaka.

Sinasabing si Escriber ay isa sa mga kinokonsiderang kritikal na kritiko ng gobyerno.

Bunsod nito, nagpadala na ng section team ng Special Action Force si PNP-Region III director Chief Supt. Alejandro Lapinid upang aksyunan ang umanong pagdukot sa naturang mediamen.

Show comments