Shootout: Pulis todas
March 2, 2006 | 12:00am
PAMPANGA Napaslang ang isang tauhan ng pulisya, samantalang sugatan naman ang kasamahan nitong opisyal makaraan ang madugong barilan sa pagitan ng mga holdaper sa kahabaan ng McArthur Highway sa Tarlac City, kahapon ng umaga.
Ayon kay P/Supt. Napoleon Cauyan, director ng PNP Traffic Management Group na nakatalaga sa Camp Olivas, bandang alas-9:30 ng umaga, kahapon naganap ang shootout sa kahabaan ng nabanggit na highway na sakop ng Barangay San Rafael.
Kinilala ang nasawing pulis na si SPO4 Francisco Pestano, habang sugatan at ginagamot sa Jecson General Hospital si P/Chief Insp. Thomas Frias Jr, opisyal ng TMG sa Tarlac City.
Base sa ulat, tinangkang harangin ng mga operatiba ng pulis ang Sarao jeepney na may plakang ZWS 359 na kinalululanan ng mga holdaper dahil sa may namataang mga pasahero na humihingi ng saklolo matapos na magdaan sa checkpoint.
Dahil sa hindi huminto sa checkpoint ang pampasaherong dyipni ay hinabol ng mga tauhan ng pulisya hanggang sa magkabarilan na ikinasawi ni SPO4 Pestano.
Nakapuga naman ang mga holdaper na pinaniniwalaang may mga sugatan at ngayon ay tugis ng pulisya sa isinasagawang follow-up operation. (Resty Salvador At Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest