^

Probinsiya

Pasyente sa rehab, nag-suicide

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang pasyente sa Malinao Regional Drug Rehabilitation Center ang iniulat na nag-suicide makaraang matagpuang nakabitin sa loob ng comfort room noong Huwebes ng umaga sa naganap na insidente sa bayan ng Malinao, Albay.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alexander Alvarez, 41, binata, ng Tapaz Compound, Zone 2, Barangay Balatas, Naga City.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay gumamit ng kumot na itinali sa kanyang leeg para magbigti at natagpuan ng kanyang mga kasamahan sa loob ng palikuran sa pagitan ng alas-4 hanggang alas-5 ng umaga.

May posibilidad na matinding depression ang nararamdaman ng biktima dahil sa katagalan sa loob ng nasabing rehab, kaya nagbigti, ayon pa sa pulisya.

Huling namataang buhay na nag-iisa sa pasilyo ng nasabing rehabilitasyon at animo’y may malalim na iniisip

Inaalam ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagpapakamatay ng biktima. (Ed Casulla)

ALBAY

ALEXANDER ALVAREZ

AYON

BARANGAY BALATAS

DRUG REHABILITATION CENTER

ED CASULLA

HULING

HUWEBES

LEGAZPI CITY

NAGA CITY

TAPAZ COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with