Shootout: Tulak dedo, ex-police tiklo
February 27, 2006 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Napatay ang isang most wanted na pinaniniwalaang notoryus na drug pusher habang nasakote naman ang isang dating pulis makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isinagawang drug operation sa bahagi ng Floodway, Barangay San Juan, Taytay, Rizal kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Senior Supt. Gil Blando Lebin, CIDG Region 4 chief, ang napatay na suspek na si Christopher Chavez, nakatala bilang number one most wanted person sa kasong droga sa lalawigan ng Rizal.
Arestado naman ang kasamahan ni Chavez na si Pedro Bracamonte Jr., 40, ng San Carlos, Binangonan, Rizal, dating pulis at kapwa nahaharap sa kasong illegal possession of firearms at illegal na droga.
Ayon sa ulat, bandang alas-11:45 ng gabi noong Sabado, nakatakda sanang mag-deliver ng droga ang dalawang suspek sakay ng isang kotseng KIA Pride na may plakang UBC-765 nang masabat ng mga operatiba ng CIDG-Rizal sa pangunguna ni P/Supt. Flaviano Baltazar dahil na rin sa tip ng mga impormante.
Sa panayam kay Baltazar, pinara nila ang sasakyan ng mga suspek, subalit, sa halip na tumigil, pinaputukan pa sila nito, kaya gumanti sila ng putok.
Nagawang pang maitakbo ng mga awtoridad si Chavez sa Tanay General Hospital, pero idineklarang patay dahil sa mga tinamong tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.
Nakarekober ang mga pulis mula sa sasakyan ng mga suspek ng isang caliber 45 pistol, mga bala, isang sachet ng shabu at pitong pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Nabatid na ang dalawang suspek ay may warrant of arrest na inisyu ni Judge Francisco Querubing ng Antipolo City Regional Trial Court Branch 74. (Arnell Ozaeta, Ed Amoroso At Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest