Aussie natigok sa tabi ng live-in partner
February 26, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Isang Australian national ang di namalayan ng kanyang live-in partner na wala nang buhay matapos na magkasabay na matulog sa kanilang kuwarto sa Pampanga, inulat ng PNP headquarters kahapon.
Sa report na nakarating sa Camp Crame. Ang biktima ay nakilalang isang Bruse Meechan y Gordon, 39, turista at pansamantalang nakatira sa Room 8, Heaven Bar, Koskosmos na nasa Fields Avenue, kanto ng A. Santos St., Brgy. Balibago, Angeles City.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat, nadiskubre na patay na ang dayuhan nang maalimpungatan ang live-in partner nitong si Marilyn Guevarra, 18 habang magkatabi ang mga ito na natutulog sa inuupahang unit sa nabanggit na lugar.
Sa salaysay ni Guevarra, magkasama pang natulog sa kanilang kuwarto ang dalawa at nang gumising ang una ganap na ala-1 ng madaling-araw ay nakita nitong hindi na kumikilos ang kanyang partner.
Dahil dito, agad umanong inireport ni Guevarra sa pulisya ang pangyayari at agad na dinala ang dayuhan sa Philippine International Hospital subalit inideklara ng mga manggagamot na patay na ang naturang dayuhan.
Masusing sinusuri ang mga labi ng biktima upang mabatid ang dahilan at kung may naganap na foul play sa pagkasawi nito. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest