Ex-police wanted niratrat, 1 pa todas
February 26, 2006 | 12:00am
CAVITE Apat na bala ng armalite ang tumapos sa buhay ng isang dating pulis na umanoy wanted sa batas matapos pagbabarilin ng di kilalang mga lalaki habang isang kapitbahay nito na tinamaan ng ligaw na bala sa Brgy. Pasong Camachile 2, sa bayan ng General Trias, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat sa tanggapan ni Cavite PPO P/S Supt. Benjardi Mantele, kinilala ang biktima na si Anacleto Vergara, 59, may-asawa, habang tinamaan naman ng ligaw na bala si Elmer Amistas 23, binata, factory worker at tubong Iloilo, kapwa residente ng Open Canal, Pasong Camachile 2 ng bayang nabanggit.
Sa ulat ni P/Supt. Gregorio Evangelista, hepe ng General Trias Police, dakong alas-8:25 ng gabi habang nasa kusina ang biktima nang basta na lamang pagbabarilin ito ng armalite sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Dahil sa sunud-sunod na pagpapaputok ng mga suspek ay tinamaan ng ligaw na bala si Amistas na nagpapahinga ng mga oras na iyon sa labas ng kanyang bahay.
Nauna rito, nakipag-coordinate umano kay Evangelista, ang team leader ng Regional Intelligence Unit na si SPO3 Marasigan upang arestuhin ang napatay na biktima dahil pinaghahanap ito sa kasong murder.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa mabatid ng pulisya kung sino ang talagang may gawa sa pagpatay sa biktima dahil itinatanggi ng grupo ng RIU na sila ang nakapatay dito. Bago pa man umano sila dumating sa target area ay nakarinig na umano sila ng sunud-sunod na putok at nang madatnan nila ang biktima ay patay na ito. (Cristina Go Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am