^

Probinsiya

Misis bulagta kay mister

-
ISABELA – Isang mister ang bumagsak sa kulungan nang aksidenteng mabaril ang kanyang sariling asawa matapos magtalo dahil lamang sa telebisyon nitong Huwebes sa Brgy. San Rafael, Roxas, lalawigang ito.

Kinilala ni P/CInsp. Severino Abad, ang biktima na si Evelyn Ordonio, 20, habang ang suspek naman na kasalukyang nasa pangangalaga ng PNP Roxas ay nakilalang si David Ordonio, kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-9:30 ng gabi sa loob ng tahanan ng mag-asawa matapos magtalo ang dalawa habang nanonood ng telebisyon.

Lumalabas sa pagsisiyasat na may mga batang kapitbahay ang mag-asawa na pumunta sa kanilang tahanan upang makipanood ng telebisyon subalit ayaw umano ng mister kung kaya’t nag-umpisa ang pagtatalo ng mag-asawa hanggang sa umalingawngaw ang isang putok ng baril sa kinaroroonan ng mag-asawa.

Sa pahayag ng suspek, aksidente umanong pumutok ang kanyang baril at labis na lamang ang kanyang pagkabigla nang makitang tinamaan sa tiyan ang kanyang asawa.

Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima subalit binawian din ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Napag-alaman na walang lisensya ang baril ng suspek kaya nahaharap ito sa kasong illegal possession of fire arms at parricide. (Victor P. Martin)

ASAWA

AYON

BRGY

CNSP

DAVID ORDONIO

EVELYN ORDONIO

ROXAS

SAN RAFAEL

SEVERINO ABAD

VICTOR P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with