Trader pinatay ng magnanakaw
February 25, 2006 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 40-anyos na negosyante ng mga armadong kalalakihan makaraang manlaban ang biktima sa naganap na nakawan sa Sitio Nabasangan, Barangay Guinhadap sa bayan ng Monreal, Masbate.
Kinilala ang napaslang na biktima na si Raul Cardino, may asawa, samantalang ang mga armadong kalalakihan na naka-bonnet at unipormadong fatigue ay nakatakas patungo sa hindi nabatid na direksyon.
Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-8 ng gabi nang kumatok at nagpanggap na bibili ng gasolina ang mga kawatan.
Nang pagbuksan ng pintuan ay agad na tinutukan ng baril ang negosyante kasabay na pumasok ang mga armadong kalalakihan.
Napag-alamang nakatiyempong agawin ng biktima ang baril ng isa sa mga kawatan at nagawang barilin at mapatay ang isa, subalit pinagtulungang pagbabarilin ang biktima na ikinasawi nito.
Bago tumakas ay nagawang tangayin ng mga suspek ang P85,000 cash, mga alahas na nagkakahalaga ng P20,000, 2 celfone, 3-sako ng bigas at ilang mahahalagang kagamitan at paninda ng biktima.
Binitbit ng mga magnanakaw ang isa sa kasamahan nilang napatay ng biktima na ngayon ay tugis ng pulisya ang grupo. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended