Inaresto pa ng raiding team ang kumuha ng video footages sa Sitio Bangkuran, Barangay Pagsangahan, General Nakar, Quezon na si Joel Abrao at kinasuhan ng paglabag sa batas kalikasan, habang kinumpiska rin ang anim na bangka na nasa loob ng bodega.
Ang ginawang operasyon ng mga tauhan ng DENR sa bodega ng SAC ay sinasabing legal dahil sa ipinalabas na search warrant mula sa isang Judge Orias.
Subalit, ayon kay Fr. Pete Montalla, chairperson ng Task Force Sierra Madre na maliwanag na harassment ang ginawa ng mga tauhan ng DENR dahil walang nilalabag na batas ang SAC at ang task force ang unang-unang lumalaban sa mga iligalista sa kagubatan.
Ang SAC-Task Force Sierra Madre ay binubuo ng mga pari, madre, mga taong simbahan at mga environmentalist na tumutulong sa mga residente na sinalanta ng flashflood noong 2004.
Binanggit din ni Fr. Montalla na ang anim na bangkang kinumpiska ay kanilang binili at nakatakdang ibigay sa mga apektadong residente.
Binatikos ni Representative Raffy Nantes ang kawalang aksyon ng DENR sa ibinulgar ng Task Force Sierra Madre. (Tony Sandoval)