^

Probinsiya

4 HMB, nasakote

-
CABIAO, Nueva Ecija – Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB) ang naaresto ng mga tauhan ng 309th Police Provincial Mobile Group sa isang checkpoint sa Barangay San Vicente ng bayang nabanggit, noong Miyerkules ng gabi.

Kabilang sa suspek na dinakip ay nakilalang sina Medelito Santos, alyas Edel, ng Barangay Tilapayong, Baliwag, Bulacan; Edwin Aro, alyas Batang, ng Barangay San Vicente, Cabiao; Daniel Simbulan, alyas Puleng at Jayson Ramos, alyas Martin, kapwa naninirahan sa Sitio Duyong, Barangay Conception, San Simon, Pampanga.

Sa ulat ni P/Supt. Rolando Santos, hepe ng 309th PMG kay P/Supt. Roel Obusan, hepe ng provincial intelligence and investigation branch, nabatid na sakay ang mga suspek ng isang kulay asul na Pajero na walang plaka nang masabat sa checkpoint at nakumpiskahan ng apat na baril. (Christian Ryan Sta. Ana)

BARANGAY CONCEPTION

BARANGAY SAN VICENTE

BARANGAY TILAPAYONG

CHRISTIAN RYAN STA

DANIEL SIMBULAN

EDWIN ARO

HUKBONG MAPAGPALAYA

JAYSON RAMOS

MEDELITO SANTOS

NUEVA ECIJA

POLICE PROVINCIAL MOBILE GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with