Cartog ng 2 killer ng police official, inilabas
February 23, 2006 | 12:00am
SAN JOSE CITY, Nueva Ecija Nagpalabas na ng cartographic sketch ang Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) ng dalawang suspek sa pagkakapaslang sa isang opisyal ng pulisya noong Martes ng hapon makaraang magtungo ag biktima sa beauty parlor ng kanyang misis sa palengke ng lungsod na ito.
Isa sa mga suspek ay may edad na 17 hanggang 19-anyos, may taas na 53" hanggang 54", katamtaman ang pangangatawan at kayumanggi; habang ang isa pang suspek ay may edad na 24 hanggang 26-anyos, may taas na 54" hanggang 55".
Nabatid na kapwa naka-short pants lang ang mga suspek nang isagawa ang pamamaslang.
Base sa rekord ng pulisya, ang mga suspek ay itinuturong bumaril at nakapatay kay P/Senior Inspector Antonio Cortes, 51, ng 308th Provincial Mobile Group at dating intelligence officer ng San Jose City police station.
Bago maganap ang insidente ay binisita ng biktima ang kanyang misis sa binabantayan nitong parlor shop at hindi nagtagal ay nagpaalam na rin para pumasok sa himpilan ng 308th Provincial mobile Group.
Sa loob ng palengke na sakop ng Barangay Rafael Rueda, nang salubungin ng sunud-sunod na putok ng baril mga suspek ang biktimang naglalakad.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung mga rebeldeng New Peoples Army ang mga suspek.
Samantala, tahimik pa ang NPA sa pangyayari at hindi pa nila inaako o itinatanggi ang pamamaslang. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended