^

Probinsiya

5 ‘durugista’ nasakote

-
LUCENA CITY – Hindi na nakapalag ang isang 28-anyos na lalaki na pinaniniwalaang nagtutulak ng marijuana matapos masakote sa buy-bust ng pulisya, habang apat na iba pang kalalakihan ang naaresto sa pot session sa bahagi ng Jade Street sa Pleasantville Subdivision, Barangay Ilayang Iyam, Lucena City, Quezon kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Reuben Theodore Sindac, chief of police sa nasabing lungsod, ang mga dinakip na suspek na sina Jefferson Yabut y Sy, 28, ng Stephen compound; Gilbert Matining, 24, ng Barangay 7; Ronnie Saez, 22, ng Barangay 11; Paulo Domenic Luna, 23, ng Barangay 2; at Roderick Ocampo, 23, ng Barangay Cotta.

Ayon kay Sindac, isinagawa ng kanyang mga tauhan na nakabase sa Intel/ DEU na pinamumunuan ni P/Senior Insp. Ernesto Ginauli, ang pagdakip kay Yabut bandang alas-4:30 ng hapon.

Napag-alamang isinagawa ang buy-bust drug sa pangunguna nina SPO1 Rommel Coronado, PO3 Virgilo Jalago, PO3 Russel Dennis Reburiano at PO3 Noel Diocos.

Nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang 5-dahon ng marijuana at karagdagang 25-piraso ng transparent plastic ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng 0.6 gramo at isang piraso ng P100 na ginamit sa buy-bust.

Habang isinasagawa ng mga awtoridad ang operasyon ay nasakote rin sa aktong nagpa-pot session ang apat pang kalalakihan.

Nakapiit ngayon ang mga suspek at sinampahan ng kaukulang kaso na may kinalaman sa droga. (Tony Sandoval)

vuukle comment

BARANGAY COTTA

BARANGAY ILAYANG IYAM

ERNESTO GINAULI

GILBERT MATINING

JADE STREET

JEFFERSON YABUT

LUCENA CITY

NOEL DIOCOS

PAULO DOMENIC LUNA

PLEASANTVILLE SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with