^

Probinsiya

Paslit nalunod sa pagsagip sa 2 kalaro

-
SANTIAGO CITY – Isang walong taon-gulang na batang lalaki ang nasawi matapos iligtas ang dalawang kalaro na nalulunod sa isang ilog sa Barangay Centro West sa nabanggit na lungsod, ayon sa ulat kahapon.

Nakilala ang biktimang nasawi matapos iligtas ang dalawang kalarong nalulunod na si Mark Anthony Alcanar, grade II at residente ng Zone 1, Bagong Buhay, Centro West, Santiago City.

Samantala, nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan at kasalukuyang nasa ospital ang isa pang kasamahan nito na nakilalang si Aldin Ganzon, grade II, na tumulong sa nasawing biktima sa pagliligtas sa mga kalaro.

Ayon sa pahayag ng mga nakasaksi, masayang naliligo ang limang bata kabilang na ang nasawing biktima nang mapansin na nalulunod ang dalawang kalaro.

Agad na sumaklolo si Alcanar, kasama si Ganzon, subalit matapos mailigtas at maiahon mula sa maputik na ilog ang dalawang kalaro ay lumubog naman sa ilog ang biktima hanggang sa maglaho.

Ilang sandali pa ang nakalipas ay namataan na lamang ang bangkay ng itinuturing na bayaning bata na naipit ng kahoy ang paa sa ilalim ng nasabing ilog na naging dahilan, kung bakit hindi na nagawang lumangoy matapos tulungan ang dalawang kalaro.

Ayon kay Ernalyn Alcanar, ina ng biktima, masakit man ang kalooban sa nangyari sa kanyang anak, wala na itong magawa kundi ang tanggapin ang sinapit ng kanyang panganay na anak sa kagustuhang mailigtas ang buhay ng kanyang mga kalaro.

"Lagi ko silang pinagsasabihan na huwag maligo sa ilog na ‘yan, subalit ngayon lang siya nakasama sa kanyang mga kalaro, napakasakit sa akin bilang ina ang mawalan ng anak, pero kailangang tanggapin, kabayanihan ang kanyang ginawa," pahayag ng ina ng biktima. (Victor P. Martin)

ALDIN GANZON

AYON

BAGONG BUHAY

BARANGAY CENTRO WEST

CENTRO WEST

ERNALYN ALCANAR

KALARO

MARK ANTHONY ALCANAR

SANTIAGO CITY

VICTOR P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with