2-katao natusta sa sunog
February 21, 2006 | 12:00am
BULACAN Dalawa-katao ang iniulat na nasawi makaraang masunog ang Starex disco club sa Barangay Pinagbarilan sa bayan ng Baliuag, Bulacan, kahapon.
Halos matusta ang buong katawan ng mg biktimang sina Jasmin Quitain, 19, stay-in guest relation officer; at Alexander Quilala, 38, operation manager.
Lumitaw sa pangunahing pagsisiyasat ni Inspector Randy Zipagan, hepe ng Baliuag fire station, nagsimulang kumalat ang apoy sa nabanggit na club dakong alas-12:15 ng tanghali.
Hindi naman nagtagal ang sunog at kaagad na naapula ng mga rumespondeng pamatay-sunog.
Napag-alamang ang dalawang biktima ay natagpuang magkayakap sa isang bahagi ng nasunog na disco club.
May posibilidad na linya ng kuryenteng nag-init hanggang sa sumiklab ang apoy.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended