Engkuwentro: 5 ASG tumba
February 21, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Limang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang kumpirmadong napaslang, samantalang apat namang sundalo ang nasugatan sa naganap na madugong engkuwentro laban sa tropa ng pamahalaan sa liblib na bayan ng Tuburan, Basilan kahapon ng umaga.
Ayon kay Armys 103rd Brigade Commander Brig. Gen. Raymundo Ferrer, dakong alas-5:15 ng umaga nang makasagupa ng kanyang mga tauhan ang mga bandido na nagkukuta sa Sitio Bohe Besey, Barangay Semot sa bayan ng Tuburan.
"These are remnants of the Abu Sayyaf who participated in the Dos Palmas kidnapping. They have been harassing our CAFGU [Citizens Armed Forces Geographic Unit]," ani Ferrer.
Gayon pa man, sinabi ni Ferrer na nabigo ang tropa ng militar na marekober ang mga labi ng limang napatay na bandido na hindi natukoy ang mga pangalan dahilan kinakailangang maisugod kaagad sa pagamutan ang apat na mga sundalong nasugatan sa bakbakan.
Nilinaw ni Ferrer na walang puwersa ng US troops na nagsasanay sa counterpart nitong mga sundalong Pinoy sa ilalim ng Balikatan RP-US joint military exercises sa bayan ng Tuburan. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Artemio Dumlao | 44 minutes ago
By Cristina Timbang | 44 minutes ago
By Joy Cantos | 44 minutes ago
Recommended