Southern Leyte amoy bangkay
February 21, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Kakaiba na ang simoy ng hangin sa buong kapaligiran ng Southern Leyte na pinangangambahang kumalat ang epidemya matapos na umalingasaw na ang amoy bangkay ng libu-libong tao na nalibing sa mudslide sa Barangay Gaunsagon sa bayan ng Saint Bernard noong Sabado ng umaga.
Ito ang nabatid kahapon mula sa mga opisyal ng pamahalaan, kaugnay ng patuloy na rescue at retrieval operation sa mga biktima ng mudslide sa nabanggit na barangay.
Inamin ni DOH Secretary Dr. Francisco Duque, na peligrosong sakit ang maaaring idulot ng mga nabubulok na bangkay tulad ng ecoli virus, measle, diptheria, diarhea, cholera atbp kayat kailangang isagawa ang kaukulang pag-iingat.
Sa kasalukuyan, ayon kay Duque ay kailangan ang malinis na maiinom na tubig sa lugar dahilan kontaminado ng tubig-baha na nahaluan pa ng mga nabubulok na bangkay ang tubig na posibleng dumaloy hindi lamang sa mga bahagi ng Barangay Guinsaugon, kundi sa mga karatig barangay.
Aminado naman si NDCC Chairman at Defense Secretary Avelino Cruz Jr., bunga ng pagkakabaon sa may 30 talampakang putik ay hindi lahat ng bangkay ay mare-retrieve at tiyak na karamihan sa mga nasawi ay mapapabayaan na lamang na malilibing.
Napaliwanagan na ang mga lokal na opisyal at pamilya ng mga biktima sa Saint Bernard hinggil sa posibleng mapabayaan na lamang ang ilan sa mga nalibing nang buhay kung magiging imposible na ang paghahanap at mahukay pa ang 1,350 pang nawawalang biktima kabilang ang 246 elementary pupil.
Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 81 bangkay ang narekober sa mudslide area.
Nabatid na dahil sa banta ng epidemiya inutos kahapon Office of Civil Defense at maging ng DOH ang agarang paglilibing sa mga mahuhukay na bangkay matapos kilalanin ng kanilang mga kamag-anak.
Dahil sa basa ang kapaligiran, limang araw matapos ang mudslide, karamihan sa mga nakukuhang bangkay ay nabubulok na at nagkakalasog na rin ang mga bahagi ng katawan kaya makatuwiran lamang ang agarang paglilibing sa mga mahuhukay na biktima. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest